Nanindigan ang China na “traditional fishing ground” ng mga mangingisdang Chinese ang West Philippines Sea (WPS).
Ito ang naging tugon ng Chinese Embassy kasunod ng inihaing diplomatic protest ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa presensya at iligal na pag-o-operate ng daan-daang barko ng china sa karagatan ng Julian Felipe Reef noong Abril.
Giit ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, salungat ang claims ng DFA at gobyerno ng China sa maritime issue na aniya’y maliit na bahagi lang ng relasyon ng dalawang bansa.
Samantala, wala pang tugon ang Embahada ng China sa panibagong protestang inihain ng DFA kaugnay naman sa maritime activities nito sa loob ng 200-mile exclusive economic zone ng Manila.
Sa ngayon ay aabot na sa mahigit 300 reklamo ang isinampa ng Pilipinas laban sa mga iligal na aktibidad ng Beijing sa West Philippine Sea.