Kinumpirma ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na inungkat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang pagpasok ng mga barko ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ayon kay Lorenzana, tiniyak ni Pres. Xi kay Pangulong Duterte na walang ginagawang “coercion” ang kanilang mga barko.
Binanggit din ni Chinese leader sa pangulo na pinapayagan ang kanilang pagdaan sa territorial waters ng ibang bansa sa ilalim ng International Law kahit hindi na humingi ng pahintulot.
Ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay naghain na ng diplomatic protest hinggil sa pagpasok ng mga Chinese Vessels sa ating karagatan na walang pasabi.
Facebook Comments