China, inimbitahan muli si PRRD para dumalo sa Belt and Road Forum

Inimbitahan muli ng China si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa ikalawang Belt and Road Forum for International Cooperation sa Beijing sa Abril.

Ayon kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua makakapulong dito ng Pangulo si Chinese President Xi Jinping.

Aniya, ito ang unang taon matapos umangat at maging comprehensive strategic cooperation ang ugnayan ng dalawang bansa.


Umaasa ang China na ang ikapitong pagpupulong nina Duterte at Xi ay makalikha pa ng magandang ‘blueprint’ sa bilateral relations ng China at Pilipinas.

Facebook Comments