Inihalintulad ni Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr. ang China bilang isang “ugly oaf”
Sa depinisyon ng Oxford Dictionary, ang “oaf” ay isang “stupid”, “unpleasant” o “awkward” person.
Sa kanyang tweet, pinapalayas ni Locsin ang mga China.
Tila para silang “ugly oaf” na pinupwersa ang atensyon sa isang gwapo na gustong makipagkaibigan.
“China, my friend, how politely can I put it? Let me see… O… Get the f__k out. What are you doing to our friendship? You. Not us. We’re trying. You. You’re like an ugly oaf forcing your attentions on a handsome guy who wants to be a friend; not to father a Chinese province,” ani Locsin.
Ikinagalit din ng kalihim ang pagmamatigas ng China hinggil sa July 2016 The Hague Arbitral Ruling.
‘What is so hard to understand about Duterte’s UN declaration that the Arbitral Award made all maritime features Philippines; no one else’s?” tanong ni Locsin.
Mareresolba lamang ang problema sa West Philippines Sea kung matututong makinig ang China.
Ang pahayag ni Locsin ay kasunod ng panghaharas ng Chinese Coast Guard laban sa mga barko ng Philippine Coast Guard vessels sa Bajo de Masinloc noong April 24 hanggang 25, 2021.