China, kinikilala pa rin ni Pangulong Duterte bilang ‘benefactor’

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kailangang maging bastos kahit mayroong territorial dispute ang Pilipinas sa China.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulo na malaki ang utang na loob ng bansa sa China dahil sa mga ipinadala nilang COVID-19 vaccines.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, itinuturing pa rin ni Pangulong Duterte bilang ‘benefactor” ang China sa Pilipinas.


Nararapat lamang aniya na pasalamatan ang China dahil sa mga tulong nila sa bansa.

Sa kabila ng donasyong bakuna, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya ikokompromiso ang soberensya ng bansa sa West Philippine Sea.

Hindi pa rin nakaligtas sa mga patutsada ng Pangulo sina dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na kanyang kritiko sa naturang isyu.

Facebook Comments