China – Kinumpirma Ang Pagkakaroon Ng Civilian Flight Sa Isa Sa Mga Isla Sa West Philippine Sea

9

MANILA – Kinumpirma ng China na magkakaroon na sila ng biyahe patungo sa isa sa mga isla sa West Philippine Sea.Anumang buwan ngayong taon – sisimulan na ng China ang civilian flights mula sa Sansha City patungong Woody Island sa Paracel Archipelago.Ang Woody Island ang tinuturing na administrative base ng China para i-monitor ang mga aktibidad sa mga islang sakop ng West Philippine Sea.Kaugnay nito – nagpahayag naman ng pagkabahala ang Amerika sa anunsyong ito ng China.Giit ng Estados Unidos – posibleng lumala ang tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo at maaari ring maapektuhan ang kalakalan sa rehiyon.

Facebook Comments