Magiging available na sa bansang China ang isa sa ipinagmamalaking prutas ng Pilipinas na durian.
Pahayag ito ni Chinese Ambassador Huang Xilian kasunod ng napipintong pag-angkat ng Tsina ng durian mula sa ating bansa.
Ayon kay Huang, inaasahang mabibigyan ng importation permit ang fresh durian mula sa Davao ngayong taon din.
Naniniwala ang opisyal na labis itong magugustuhan ng mga Tsino na mahilig sa naturang produkto at makakatulong din ito sa paglaki ng kita ng mga local farmers sa Mindanao.
Mababatid na aabot sa 822,000 tonelada ng durian ang inangkat ng Tsina noong 2021 na nagkakahalaga ng 4.21 billion dollars o katumbas ng mahigit 240 bilyong piso.
Facebook Comments