China, mag-iimport pa ng mas maraming produkto mula sa Pilipinas

Inihayag ni Trade Secretary Ramon Lopez na nangako ang China na palalakasin pa nito ang pag-aangkat ng mga produkto mula sa Pilipinas para mas mapaganda at mabalanse ang trade relations ng Pilipinas at China.

Ayon kay Lopez, matapos lagdaan ang ilang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa sa bilateral meeting nila Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping na nagpapalakas sa bilateral relations ng dalawang bansa ay tiniyak ni President Xi na pagtitibayin pa nila ang polisiya ng China na gawing balanse ang trade relations ng kanilang bansa sa Pilipinas.

Sinabi ni Lopez na batay sa kanyang pakikipagpulong kay Chinese Commerce and Finance Minister Zhong Shan ay palalakasin pa nila ang pag-angkat ng mga agri-based products at industrial goods sa Pilipinas.


Nabatid na 10% taon-taon ang itinataas ng importasyon ng Pilipinas mula sa China pero mas mababa naman ang importasyon ng China mula sa Pilipinas.

Kaugnay nito ay hinikayat din naman ni Secretary Lopez ang mga Chinese companies na palakasin pa ang investment sa Pilipinas na magbibigay ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipno.

Facebook Comments