Manila, Philippines – Magpapatawag ng pagpupulong ang China sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ayon kay Foreign Affairs acting Secretary Enrique Manalo – ito’y para talakayin ang code of conduct framework kagunay sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China sea.
Sa ngayon ayon kay Manalo, tuloy ang pag pupulong ng mga eksperto sa code of conduct framework.
Kapag nakumpleto aniya ang framework, magkakaroon na ng seryosong diskusyon sa mga pangunahing elemento sa code of conduct.
Gaganapin aniya ang pagpupulong sa Mayo.
Facebook Comments