China, magpapatupad ng “no health certificate, no entry policy”

Simula sa Nobyembre 7, 2020, ipapatupad na ng China ang “no health certificate, no entry policy”.

Batay sa inilabas na advisory ng China, walang pinipili ang patakaran kung saan lahat ng Chinese at mga dayuhan ay kailangang dumaan sa prosesong ito bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Nabatid na kailangang dumaan ang mga papuntang China sa pangkalusugang pagsusuri na Nucleic Acid and IGM antibody tests for COVID-19 at dapat umanong may certified health declaration forms bago sila sumakay sa eroplano.


Dapat umanong sa loob ng 48 oras bago ang biyahe, isagawa ang pagsusuri at gagawin lang ito sa mga medical institution na kinikilala ng China Embassy at kasama na ito ng “green health code na may markang HS” o certified health declaration form na nagsasabing negatibo ang tao sa COVID-19.

Facebook Comments