China Ministry of Education, naglabas ng overseas study alert sa kanilang mga estudyante sa Pilipinas

Naglabas ang China Ministry of Education ng overseas study alert sa kanilang mga estudyante sa Pilipinas.

Sa nasabing abiso, pinag-iingat ng Chinese government ang kanilang mga estudyante sa Pilipinas at hinihimok na pag-aralan ang security risks ng pag-aaral sa Pilipinas.

Sa harap ito ng anila’y lumalalang public security situation sa Pilipinas kung saan tumataas ang kriminalidad sa bansa at ang biktima ay mga Tsino.

Una na ring naglabas ng kahalintulad na babala ang China sa kanilang mga estudyante sa Estados Unidos.

Facebook Comments