Manila, Philippines – Nanindigan ang China sa pagtatanggol ng karapatan nito sa West Philippine Sea (WPS).
Ito’y kasabay ng unang anibersaryo ng Arbitral Ruling ng the Hague na pumabor sa Pilipinas.
Ayon sa Chinese Foreign Ministry, bukas itong resolbahin ang territorial dispute sa pamamagitan ng direktang pakikipag-usap sa mga bansang sangkot sa isyu.
Handa rin itong makipagtulugan sa ASEAN para panatilihin ang seguridad at kapayapaan sa rehiyon.
Dagdag pa ng China, may nasimulan nang magandang hakbang kasama ang Pilipinas para resolbahin ang isyu.
Iginiit naman ni dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario, dapat igiit ng Pilipinas ang pagkapanalo nito sa arbitral ruling.
Nabatid na kasama si Del Rosario sa delegasyon ng Pilipinas na naglatag ng posisyon ng bansa tungkol sa agawan ng teritoryo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558