
Naglabas ng abiso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaugnay ng muling pagpapalipad ng rocket ng China.
Pinakawalan ang Long March 12 rocket kaninang umaga sa pagitan ng 6:53 at 7:21 mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan.
Ayon sa NDRRMC, posibleng bumagsak ang mga debris nito sa mga itinalagang drop zones—23 nautical miles mula sa Puerto Princesa, Palawan at 21 nautical miles mula sa Tubbataha Reefs Natural Park.
Pinag-iingat ang mga residente na malapit sa mga lugar na ito dahil sa panganib ng pagbagsak ng mga metal debris.
Pinaalalahanan din ang publiko na huwag kumuha o humawak ng anumang bahagi ng debris dahil maaaring naglalaman ito ng toxic substances.
Hinimok ng NDRRMC ang lahat na agad ireport sa awtoridad kung makakita ng mga posibleng rocket debris.









