China – nababahala kaugnay sa kautusan ni Pangulong Duterte na okupahin na ang ipinaglalabang teritoryo sa West Philippine sea

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagkabahala ang Chinakaugnay sa naging desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na okupahin na angipinaglalaban nating teritoryo sa West Philippine sea.
  Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Hua Chunying –umaasa sila na mareresulba ng maayos ng Pilipinas ang maritime dispute sapagitan nila at makikipagtulungan upang mas mapatatag ang China-Philippinesrelations.
  Sa kabila ng pahayag ni Pangulong Duterte – sinabi nichunying na mananatiling committed ang China na ipagtanggol ang kanilang teritoryo,karapatan at interes sa South China sea.
  Una nang tiniyak ng Department of Foreign Affairs nahindi makakasira sa relasyon ng Pilipinas at China ang balak ni PangulongDuterte na pagtataas ng watawat ng bansa sa isa sa mga pinag-aagawang isla sa WestPhilippine sea.
 

Facebook Comments