MANILA – Inalok ng China ang Pilipinas ng armas at kagamitan ng militar na nagkakahalaga ng $14.4 million dollars.Mismong si Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jinhua ang nag-alok ng libreng armas at kagamitan para sa Armed Forces of the Philippines matapos itong makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang noong Lunes.Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – libreng ibibigay ng China ang nasabing mga armas na posibleng maisapinal ang kasunduan bago matapos ang taon.Posible anyang sa second quarter ng 2017 makuha na sa China ang nasabing mga armasDagdag pa ng kalihim – nakahanda din ang China na magbigay ng hanggang 500 million dollars na long term soft loan package sa Pilipinas.Kaugnay nito – sinabi ni Lorenzana na may ipapadala silang technical working group sa China para tingnan at siyasatin ang mga equipment na pwedeng gamitin ng mga sundalo.Ginawa ng China ang alok – kasabay ng pahayag ni Pangulong Duterte na hindi niya igigiit sa China ang desisyon ng permanent court of arbitration kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
China, Nag-Alok Ng Mahgit $14 Million Na Halaga Ng Armas At Kagamitan Sa Pilipinas
Facebook Comments