China, nag-donate ng isang bilyong pisong halaga ng military equipment sa AFP

Inanunsyo ng Department of National Defense (DND) na dumating na sa bansa ang unang batch ng military equipment na bigay ng China na aabot sa halagang 76 million yuan o isang bilyong piso.

Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, ang DND ang tumanggap ng mga donasyon na kinabibilangan ng military equipment katulad ng rescue and relief equipment, drone systems, detectors, water purification vehicles.

Maging mga ambulances, firetrucks, x-ray machines, EOD robots, bomb disposal suits and transport vehicles; at engineering equipment katulad ng backhoes, dump trucks, forklifts, at earthmovers.


Dumating aniya ang mga ito nitong January 16, 2022.

Sa susunod na buwan ay nakatakda itong i-turn over ng DND sa Armed Forces of the Philippines.

Habang ang ikalawang batch ng mga donasyon mga equipment ay ide-deliver sa mga susunod na buwan na nagkakahalaga ng 54 milyong Yuan.

Facebook Comments