China, nag-donate ng military equipment sa DND na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong piso 

Nakatanggap ang Department of National Defense (DND) ng mga military equipment na donasyon ng China.

Ito ay nagkakahalaga ng 130 milyong RMB o katumbas ng mahigit 1 bilyong piso.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana mismong si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang nagbigay ng mga military equipment sa isinagawang turn over ceremony sa Lapu-lapu Grandstand sa Camp Aguinaldo.


Ayon sa kalihim ang mga kagamitan ay pang-suporta sa capacity building ng Presidential Security Group, rehabilitasyon ng Marawi, at iba pang humanitarian and Disaster relief (HADR) efforts ng gobyerno.

Sinabi pa nito na sa kabila ng pagiging non-traditional partner, malaki ang naitulong ng China sa pagbangon ng Marawi at ang panibagong donasyong ito ay malaking bagay sa pagsulong ng kaunlaran sa lugar.

Patunay rin daw ito ng malalim at makasaysayang pagkakaibigan ng China at Pilipinas na nananatiling matatag sa kabila ng isyu sa West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng dalawang bansa.

Facebook Comments