China, nagbabala sa anila’y patuloy na pakikialam ng Pilipinas sa hidwaan ng China at Taiwan

Nagbabala si Chinese Foreign Ministry Spokesperson Guo Jiakun sa aniya’y patuloy na mga mapangahas na pahayag at aksyon ng Pilipinas.

Kabilang dito ang aniya’y pakikisawsaw ng Pilipinas sa hindi pagkakaunawaan ng China at ng Taiwan.

Ayon kay Minister Guo, magba-backfire sa Pilipinas ang aniya’y pagiging ‘troublemaker’ nito at ang panghihimasok sa internal affairs ng Tsina, gayundin ang patuloy na pagbalewala sa kanilang soberenya at territorial integrity.

Hindi rin aniya nagustuhan ng China ang pahayag ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na hindi dapat magpatupad ng red line ang China at hindi nito dapat diktahan ang Pilipinas sa nakatakdang pagbisita sa bansa ni Taiwanese Foreign Minister Lin Chia-lung.

Hinimok din ng Chinese official ang mga kinauukulang opisyal ng Pilipinas na itigil na ang mga mapanghamong pahayag.

Facebook Comments