China, nagbabala sa Pilipinas kaugnay ng pangingialam nito sa pagpapatrolya nila sa Panatag Shoal

Nagbabala ang Tsina sa Pilipinas kaugnay sa pakikialam umano nito sa pagpapatrolya nila sa Bajo De Masinloc na parte umano ng kanilang chinese territory.

Matatandaang ibinalita ng Philippine Coast Guard (PCG) ang insidente ng close maneuvering ng isang chinese coast guard vessel sa BRP Malabrigo noong March 2.

Ayon sa tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na si Wang Wenbin, may sovereign rights ang Tsina sa Huangyan Dao o mas kilalang Panatag Shoal dahil parte ito ng kanilang inherent territory.


Umaasa naman si Wang na rerespetuhin ng Pilipinas ang soberanya ng Tsina sa naturang lugar at dapat tumalima sa mga batas ng kanilang bansa.

Mariin namang itinanggi ng malakanyang ang territorial claims ng China sa Panatag Shoal.

Ayon kay acting presidential spokesperson Secretrary Martin Andanar, ipagpapatuloy ng bansa ang pagtindig ng full sovereignity sa Bajo de Masinloc at kalapit nitong katubigasn dahil sakop ito ng ating Exclusive Economic Zone (EEZ).

Facebook Comments