Nagbigay ng babala si Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng gulo kapag nagsimulang humukay ang Pilipinas para sa langis sa West Philippine Sea.
Matatandaang bumisita si Pangulong Duterte sa China noong October 2016 at August 2019.
Sa kanyang Talk to the Nation Address kung saan panauhin si dating Senator Juan Ponce Enrile, ginunita ni Pangulong Duterte ang pagbisita niya sa China at pulong niya kay President Xi.
Sinabi niya noon kay President Xi na may plano ang Pilipinas na kumuha ng langis sa WPS.
Pero binulong sa kanya ng Chinese leader na huwag itong gawin lalo na at nagsisimula at bago pa lamang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
“Sabi niya in whisper you know, Mr. President, please do not do that. You will just sour up our, you know, we have a new beginning here, new friendship found but if you do that, he said almost (a) whisper, there will be trouble,” ani Pangulong Duterte.
Binago niya ang direksyon ng foreign policy ng Pilipinas mula sa pagiging ‘pro-Western’ patungong “neutral.”
“In the early days of my administration, I announced a change of the direction of our foreign policy from being pro-Western to just neutral. Just playing it safe in the meantime because there might be really a trouble brewing,” sabi ng Pangulo.
Nag-aalangan din siyang bumalik sa United Nations Security Council kung saan kabilang sa mga member-states ang China, Estados Unidos, United Kingdom, Russia at France bilang permanent members at mayroong veto power.