China, nagbigay ng 5-milyong piso sa mga sundalo sa Marawi City

Manila, Philippines – Maging ang pamahalaan ng China ay nagpaabot na rin ng tulong sa mga sundalong patuloy na nakikipag sagupa sa Maute terrorist group at maging tulong sa mga pamilya naiwan ng mga sundalo nasawi sa bakbakan sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo mismong si AFP Chief of Staff Gen. Eduardo ano ang tumanggap ng 5 million pesos check mula kay Chinese Ambassador to the Phil. Zhao Jianhua.

Ginawa ang seremonya sa AFP General Headquarters building sa Camp Aguinaldo Quezon City.


Maliban dito sinabi pa ni Ambassador Zhao na bago matapos ang taong 2017 ay magbibigay pa sila ng halagang 15 million pesos cash.

Ito ay aniya kanilang tulong sa gagawing rehablitasyon sa Marawi City na patuloy na nasisira dahil sa walang tigil pa ring bakbakan.

Una rito nangako ang amerika na magbibigay ng 730 million pesos cash sa mga taga Marawi City.

Facebook Comments