Naglabas na ang China ng panibagong ulat kaugnay sa muling pagkalat ng COVID-19 sa Beijing kamakailan.
Ayon kay Chinese Center for Disease Control and Prevention (CDC) official Zhang Yong, nagmula ang panibagong outbreak sa Europe pero nilinaw nitong hindi ito ang kasalukuyang kumakalat sa nasabing lugar.
Posibleng nakatago ito sa mga imported frozen food products o sa mga madidilim at basang kapaligiran.
Nabatid na nakabase ang pag-aaral sa tatlong samples kung saan dalawa rito ay mula sa nagpositibo sa nasabing sakit at ang isa naman ay mula sa isang environment na nakolekta noong June 11
Facebook Comments