China, naglagay ng ilang rocket launcher sa West Philippine Sea

153

China – Naglagay ang China ng ilang rocket launcher sa West Philippine Sea.

Sa ulat ng isang pahayagan sa China, inilagay ang rocket launcher sa Kagitingan Reef pero hindi binanggit kung kailan ito ginawa.


Layon umano nito na pigilan ang Vietnamese military combat divers.

Matatandaang sinabi noon ng China na limitado sa defensive requirements ang kanilang military constructions sa South China Sea.

Ang Kagitingan Reef ay isa sa mga pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas, China, Vietnam at Taiwan.
DZXL558

Facebook Comments