Naglatag ang China Coast Guard ng floating barrier sa timog-silangang bahagi ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Biyernes nang madiskubre ng Philippine Coast Guard at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang floating barrier.
Ayon sa PCG, may haba ito na 300 metro, may net sa ilalim at ginamitan ng bakal sa magkabilang dulo bilang pabigat.
Layon ng mga boya na harangan ang mga mangingisdang Pinoy maging ang malalaking barko na makapasok sa lugar.
Kinondena ng PCG at BFAR ang paglalagay ng China ng floating barrier sa Bajo de Masinloc.
Ipinaalam na nila ito sa National Task Force for the West Philippine Sea.
Habang ipinauubaya na nila sa Department of Foreign Affairs at sa Department of Justice ang pagsasampa ng diplomatic action o anumang legal na hakbang hinggil sa usapin.