Nagdaos ng amphibious drill ang Chinese Navy sa loob ng West Philippine Sea.
Kasabay ito ng ginagawang Joint Marine Scientific Survey ng UP Marine Science Institute katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Escoda Shoal.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Jay Tarriela, ginawa ito ng China malapit sa lugar malapit sa kung saan nagkakaroon ng research at diving ang marine scientists.
Ito aniya ang unang beses na nagsagawa ng ganitong aktibidad ang People’s Liberation Army sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Tarriela na walang permiso ang aktibidad ng China lalo na’t ginawa ito sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Dahil dito, ilang diving sites ang bigong mapuntahan dahil nauna na ang China na matauhan ang lugar.
Ginawa ang research upang malaman kung bakit ayaw umalis ng China sa Escoda Shoal.