Nagkasa ang China ng “high intensity” naval exercises sa South China Sea.
Ang military presence ng China sa rehiyon ay ikinababahala ng ilang bansa, habang ang Estados Unidos ay nangakong tatayo laban sa pag-aangkin ng Beijing sa halos buong karagatan.
Ayon kay Defense Ministry Spokesperson Ren Guoqiang, ang Chinese H-6G at H-6J jet bombers ay nasagawa ng ‘high-intensity training,’ at kinumpleto ang day-and-night training exercises sa take-off at landing, long-range assault, at attacks on sea targets.
Sinabi ng Chinese official na ang military drills ay bahagi ng routine training.
Una nang sinabi ng Washington na ang pag-aangkin ng China sa halos buong karagatan ay ilegal at sinusuportahan ang Southeast Asian nations na may claims sa lugar.
Ang Australia ay hindi rin tinanggap ang historical at maritime claims sa South China Sea dahil wala itong basehan.
Ang US ay nagsasagawa ng “freedom of navigation” operations sa South China Sea.