Manila, Philippines – Muling nagtayo ng bagong mga pasilidad ang China sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Ayon sa us think tank base asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) na bahagi ng Center for Strategic and International Studies ng Washington – nakita sa mga bagong satellite images ang mga missile shelters at radar and communications facilities na itinatayo sa fiery cross, mischief at subi reefs sa spratly islands.
Ang mga satellite image ay kuha noong may 4, june 16 at june 19, 2017 kung saan base sa mga larawan, nagdagdag ang China ng apat na shelters sa fiery cross.
Makikita sa larawan ang napakalaking antennae array na inilalagay sa outpost sa southern side ng mischief reef na posibleng gamitin umano ng china para mas mapalakas ang kakayahan nitong i-monitor ang mga aktibidad sa lugar.
Sa Southern portion naman ng fiery cross may nakita ring inilalagay na malaking radar system at mas maliit na radar malapit sa shelters sa mischief.