Muling iginiit ng China ang kanilang soberensya sa mga isla at bahura sa West Philippine Sea.
Nabatid na nagsasagawa Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng maritime patrols sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin, mayroong soberenya at hurisdiksyon ang kanilang bansa sa Spratlys, kabilang ang Pag-asa Island, Panatag Shoal at ang dagat na pumapalibot dito.
Nakiusap ang Beijing sa Pilipinas na itigil ang mga aktibidad nito sa lugar.
Dapat igalang ng Pilipinas ang karapatan at interes ng China sa lugar at iwasang palalain pa ang sitwasyon.
Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na patuloy na itataguyod ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang karapatan ng Pilipinas sa mga isla at iba pang bahura na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas, kabilang ang Julian Felipe Reef.
Ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay naghain na ng diplomatic protests na kumukwestyon sa presensya ng mga barko ng China sa WPS.
Si Senator Risa Hontiveros ay naghain na ng Senate Resolution na kinokondena ang panghihimasok ng China sa karagatan ng Pilipinas.
Iginagalang naman ng Malacañang ang desisyon ng mga senador pero nanindigan na ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay pagbutihin pa ang relasyon ng dalawang bansa.