China, namigay ng fertilizer at bigas sa bansa

Malaking tulong sa mga magsasaka ang donasyong abono o Urea fertilizer ng China.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi nagdalawang isip ang China na magbigay ng tulong, sa panawagan na rin ng bansa dahil sa krisis dulot ng pandemya.

Dagdag pa ni Marcos, ang mga abonong ito ay malaking katipiran sa mga benepisyaryong magsasaka sa harap ng pagtaas ng presyo ng mga fertilizer.


Makatutulong din aniya ito sa tina-target na food security ng bansa.

Samantala bukod sa 20,000 metriko toneladang Urea fertilizer , nagbigay rin ang China ng 4 na milyon pisong halaga ng bigas para sa mga naapektuhan ng  pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Facebook Comments