China, nanawagan sa Pilipinas na protektahan ang karapatan ng kanilang mga kababayan na nasa bansa

Nakiusap ang China sa gobyerno ng Pilipinas na protektahan ang karapatan ng mga kababayan nito sa bansa.

Ito’y matapos mapaulat ang pagkamatay ng isang Chinese National matapos mahulog sa ika-anim na palapag na tatakas sana sa kanyang employer.

Sa statement ng Chinese Embassy, hinimok nito ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno sa Pilipinas na panagutin ang mga nasa likod sa ilalim ng objective, patas, at malalim na imbestigasyon.


Ipagpatuloy din ang kongkreto at epektibong hakbang para protektahan ang Legitimate Rights at Interests ng Chinese Citizens sa Pilipinas.

Una nang sinabi ng Malacañan na hindi hahayaan ng gobyerno na may maabusong mga dayuhan.

Facebook Comments