China nangakong mas palalakasin pa ang kanilang relasyon sa Pilipinas

Kasunod ng first official visit ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin sa China.

Nakipagpulong ito kay Chinese Vice President Wang Qishan sa Beijing at sinabing nangako ang China ng mas matatag at mas magandang relasyon sa Pilipinas.

Sa kabilang banda sinabi naman ni Vice President Wang na maisasakatuparan ito sa pamamagitang ng kooperasyon ng dalawang bansa para magkaroon ng mutual understanding at mutual trust.


Samantala, sinabi din ni Secretary Locsin na hinahangaan niya ang sipag, talino at determinasyon ng mga Tsino na sangkap para sa pagkamit nila ng tuloy-tuloy na pagganda ng ekonomiya.

Maliban kay Secretary Locsin, present din sa Philippine Economic Briefing sina Executive Secretary Salvador Medialdea at ang mga economic managers na pinamumunuan ni Finance Secretary Carlos Dominguez.

Facebook Comments