China, nanindigan pa rin na hindi kilalanin ang arbitral ruling na pabor sa Pilipinas

Hindi muli kinilala ng China ang ruling ng arbitration court na nagbabasura sa kanilang pag-angkin Sa West Philippine Sea.

Ito ay ang iginiit ni Chinese President Xi Jinping kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang bilateral meeting kagabi.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – naging diretso si Pangulong Duterte sa paggiit kay Xi sa mga inaangking teritoryo ng Pilipinas.


Idiniin din ng Pangulong Duterte na ang arbitral win ng bansa ay ‘final’, ‘binding’ at ‘not subject to appeal.’

Gayunman, sa kanyang tugon, iginiit umano ni Xi na hindi kikilalanin China ang arbitral ruling at hindi kailanman sila magbabago ng posisyon ukol dito.

Sa kabila nito, nagkasundo naman ang dalawang lider sa pagbuo ng code of conduct sa South China Sea at kailangang mabuo ito bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.

Napag-usapan din ang joint oil exploration.

Facebook Comments