Patuloy na maninindigan ang China sa “principled positioned” nito sa West Philippine Sea.
Ito ang pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lu Kang kasunod ng paglalayag ng USS Wasp malapit sa Scarborough o Panatag Shoal.
Umaasa ang Chinese official na hindi lilikha ang non-regional forces ng tensyon sa itinuturing nilang “calm” South China Sea.
Base sa ulat, ang USS Wasp, na may bitbit na nasa 10 F-35B fighter jets, apat na MV-22 ospreys military aircraft at dalawang MH-60S sea hawk helicopters ang nagsasagawa ng pagsasanay kasama ang mga barko ng Philippine Navy sa Subic Bay at sa West Philippine Sea bilang bahagi ng balikatan joint military exercise sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.
Facebook Comments