China, nararapat lang na sawayin kung totoong nagtatapon sila ng dumi sa WPS – Roque

Handang kastiguhin ng Malacañang ang China kung ang mga ulat na nagtatapon sila ng dumi ng tao at iba pang sewage waste sa West Philippines Sea ay totoo.

Pagtitiyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque na makakatanggap ang China ng maaanghang na salita kapag napatunayan ito.

Iginiit ni Roque na hindi palikuran o banyo ang Pilipinas.


Kaugnay nito, para kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na kailangang beripikahin ang ulat, dahil kung totoo, ay nakakabahala ito.

Facebook Comments