China, nilabag ang US-brokered agreement noong 2012 WPS standoff – Del Rosario

Iginiit ni Dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na nilabag ng China ang isang United States-brokered agreement na magreresolba sana sa standoff sa Panatag Shoal noong 2012.

Ito ang tugon ni Del Rosario sa patutsada sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan siya ang isinisisi at ang nakaraang administrasyon sa nangyaring standoff sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Del Rosario, nakasaad sa kasunduan na ang lahat ng mga barko sa magkabilang panig ay dapat umalis sa Panatag Shoal.


Sumunod dito ang Pilipinas kung saan umalis ang isa nating barko pero ang China ay nagmatigas ay hindi umalis ang kanilang 30 o higit pang barko sa lugar.

Ang insidenteng ito ang nagtulak sa Pilipinas para i-akyat ang arbitration case sa United Nations tribunal sa The Hague noong 2013 na napanalunan ng Pilipinas.

Iginiit ni Del Rosario, isa sa arkitekto ng arbitration case laban sa China na ang Duterte Administration ang mag-e-enforce ng 2016 Arbitral Award, subalit isinantabi lamang ito kapalit ang 24 billion dollars na Chinese investments at assistance.

Dagdag pa ni Del Rosario, nagkaroon si Pangulong Duterte at Chinese President Xi Jinping na payagan ang mga Tsino na makapangisda sa West Philippines Sea na paglabag sa ating Konstitusyon.

Bilang isang Commander-in-Chief ng military, hinimok ni Del Rosario si Pangulong Duterte na protektahan ang West Philippine Sea at huwag magpapalinlang sa China.

Facebook Comments