China, nire-require ang mga biyahero galing Pilipinas na sumailalim sa COVID-19 nucleic acid test

Inanunsyo ng Chinese Embassy sa Manila na ang mga biyaherong papunta ng China na galing ng Pilipinas ay kailangang mayroong COVID-19 negative certificates bago sumakay ng kanilang flights.

Sa abiso ng embahada, ang mga Chinese at foreign travelers ay kinakailangang kumuha ng nucleic acid tests para sa COVID-19 sa loob ng limang araw bago sumakay.

Ang mga magnenegatibo lamang ang papayagang umalis.


Kailangan nilang sumalang sa test sa mga itinalagang institusyon bago mapirmahan ang kanilang health declaration forms.

Bukod dito, nire-require na rin silang magpadala ng scanned copies o photocopy ng kanilang health declaration form, nucleic acid test certificate at pasaporte sa Chinese embassy o consulates sa pamamagitan ng e-mail.

Dapat ding magpakita ng print-out certificate health declaration form sa check-in o bago ang boarding flight.

Ang mga mamemeke ng dokumento ay papatawan ng kaukulang parusa.

Paalala ng embahada sa mga pasahero na ang health declaration forms ay hindi Chinese visas.

Facebook Comments