Hindi bababa sa P1.3 trilyon ang nalulugi sa bansa kada taon dahil sa pagkasira ng 16,000 ektarya ng mga coral reef at illegal poaching sa West Philippine Sea.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng scientist group na AGHAM ng University of the Philippines.
Dahil dito, giniit ni Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) Vice Chair for Luzon Bobby Roldan, dapat pilitin ang China na magbayad para sa mga nasirang bahura at ilegal na pag-okupa sa ating teritoryo.
Ang kaduwagan aniya ng gobyerno at kawalan ng political will na gawin ito ay hindi makakapigil sa mga mangingisdang Pilipino na tumindig laban sa China o sa sinumang dayuhang mananakop.
Facebook Comments