Naniniwala si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na malaki ang posibilidad na matagal nang nagsasagawa ng intel gathering ang China sa loob ng katubigan ng bansa.
Sinabi ito ni Barbers makaraang matuklasan sa San Pascual, Masbate ang isang underwater drone na may markang HY-119 bilang isang Chinese underwater navigation and communication device na naghahatid ng data, messages, at navigation information sa kanilang mga barko at satellite.
Hinala ni Barbers, maaring nangangalap ng datos ang China ukol sa deuterium na sagana sa eastern seaboard ng Pilipinas.
Ang deuterium ay gamit sa mga prototype fusion reactors na maaring magamit sa military, industrial and scientific fields.
Facebook Comments