Friday, January 23, 2026

China, pumalag sa pagtawag ni Senador Risa Hontiveros sa kanila bilang “bad guest” sa Pilipinas

Umalma ang China sa pagtawag ni Senador Risa Hontiveros sa China bilang “bad guest” sa Pilipinas.

Sinabi rin ni Hontiveros na dapat magpakita ng respeto ang China sa Pilipinas bilang host country nito.

Sa statement na inilabas ng Chinese Embassy sa Pilipinas, inihayag nito na ang China ay nagsisilbing tulay sa pag-promote ng pagkakaibigan at kooperasyon ng dalawang bansa.

Ito ay habang pinoprotektahan anila ng China ang kanilang pambansang interes at dignidad.

Pero sa oras anilang atakehin sila at gawan ng paninira,hindi anila mananatiling tahimik at mapagpasensya ang China.

Iginiit ng China na karapatan nilang ipaalam sa publiko ang katotohanan at posisyon ng bansa.

Nagpasaring pa ang Chinese Embassy na ang taong hindi nakakaunawa sa ibig sabihin ng respeto ang siyang hindi marunong magpakita ng kortesiya sa bisita at may lakas na loob na mag-label ng “bad guest”.

Facebook Comments