China, sinsero sa pakikipag-kaibigan sa Pilipinas

Manila, Philippines – Pursigido ang gobyerno ng China na magkaroon na mas sinserong relasyon sa Pilipinas

Ito ay kahit na may nanatiling tensyon kaugnay pa rin sa isyu ng West Phil. Sea
Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa ngayon mas maiging ituon ng mga Pilipino ang atensyon sa mga ginagawang pagtutulungan at pagkakaibigan ngayon ng China at Pilipinas.

Aniya sa ngayon maayos na napag-uusapan ang isyu sa West Phil. Sea at naniniwala syang maayos ito sa mapayapang paraan.


Ang China ay isa mga palabang bansa na umaangkin sa mga isla sa West Phil. Sea.

Pero sa pagpasok ng Duterte administration naging tila maayos ang relasyon ng Pilipinas sa China.

Sa katunayan aabot sa 22 milyong dolyar na 3 libong m4 rifle, 3 milyong rounds ng assorted ammunition at 90 sets sniper scope ang ibinigay ng China sa AFP.

Patunay aniya ito na sinsero sila sa pakikipagkaibigan sa Pilipinas.

Facebook Comments