China, ‘squatter’ at ‘illegal occupants’ umano sa exclusive economic zone ng Pilipinas

Tinawag ni Defense Sec. Gilbert Teodoro ang China na “squatter” at “illegal occupant” sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ito ang pahayag ng kalihim kasunod ng pagsasabi ng China na sa kanila umano ng Pag-asa Island.

Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Teodoro na ayaw niyang matawa sa isyu dahil bastos ito.


Pero aniya, ilan ba ang naniniwala na sa China ang Pag-asa Island.

Dagdag ni Teodoro, matatawag na illegal occupation kung inokupa ng Pilipinas ang Hainan Island, pero ang China ay nasa 200-mile EEZ ng ating bansa, kaya sila ang squatter.

Pabiro namang banat ni Teodoro, pwede namang mag-apply ang China ng visa at bibigyan naman sila ng Pilipinas.

Facebook Comments