‘SQUATTER CHINA.’
Ito ang nakasaad sa placard na bitbit ng isang mangingisda sa Masinloc, Zambales.
Umapela din ang mga mangingisda sa Masinloc na ihinto ng China ang kanilang illegal activities sa West Philippine Sea.
Magugunitang nag-trend sa social media ang hashtag na #SquatterChina matapos ang naging pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro.
Sinagot ni Teodoro ang akusasyon ni Chinese Foreign Ministry spokesman Mao Ning na nagsasabing ilegal ang pag-okupa ng Pilipunas sa Pag-asa Island.
Ang Pag-asa Island ay nasa 174 miles west ng Palawan at naninirahan doon ang kaunting bilang ng Filipino civilian community.
Ang isla ay bahagi ng bahagi ng South China Sea na ayon sa China ay parte ng kanilang teritoryo sa kabila ng pagkakapanalo ng Pilipinas sa 2016 arbitration case sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague.
Ani Teodoro sa pinakabagong insidente sa West Philippine Sea sangkot ang mga barko ng China ay hindi na maaaring masabi na ito ay isolated incident.
“On my end, President Marcos’ instructions are whatever happens… we will never stop with our operations in the West Philippine Sea,” ayon kay Teodoro.