China Telecom, kontrolado ng Partido Komunista ng China – FCC

 

Ang China Telecom ay pag-aari ng Chinese government at kontrolado ng Communist Party ng China ang kompanya.

Ito ang binigyang-diin ng U.S. Federal Communications Commission sa pagboto, 5-0, laban sa dalawang China Telecommunications companies.

Sa pinakabago nitong ruling, iniutos ng FCC ang pagbaklas sa mga equipment na gawa ng isang Chinese firm at sinimulan ang proceeding sa kung ipagpapatuloy ang pagpapahintulot sa China Telecom (Americas) Corp. na mag-operate sa U.S.


Ayon kay FCC Chairman Ajit Pai, bukod sa ownership issue, iginiit ng security agencies na hindi sumunod ang China Telecom sa cybersecurity at privacy laws, at nagkakaloob ng pagkakataon sa Chinese state-sponsored economic espionage at disruption ng U.S. communications traffic.

Noong nakaraang taon ay ipinagbawal ng FCC ang paggamit sa U.S. subsidies sa pagbili ng communications equipment mula sa ZTE Corp. at sa isa pang China-controlled telco. Kapwa pinabulaanan ng dalawang kompanya ang alegasyon ng komisyon na banta ang mga ito sa seguridad.

Magmula noon ay tinawag ng Kongreso at iba pang ahensiya ang Chinese companies na isang banta, “so today, we establish ‘rip and replace’ rules” covering equipment removal,” ayon kay Pai.

“The record on this is clear,” sabi ni FCC Commissioner Brendan Carr, na isang Republican.

“The Chinese government intends to surveil persons within our borders, for government security, for spying advantage, as well as for intellectual property and an industrial or business edge.”

Ang restrictions na ipinag-utos ng FCC ay pangunahing nakaaapekto sa maliliit na carriers na kadalasang nagseserbisyo sa rural areas.

Ang naturang mga kompanya ay nangangailangan ng tulong para matugunan ang
mga requirement, pahayag ng rural lender CoBank ACB sa isang report na inihain noong nakaraang buwan sa FCC.

Ang China Telecom, na may 40 percent stake sa Dito Telecommunity, ang third telco player sa Filipinas, ay isa sa ‘Big Three’ providers sa China, na nag-aalok ng wireline mobile telecommunications at internet access, ayon sa report ng U.S. Senate na ipinalabas noong Hunyo.

Nakasaad pa sa report na hanggang noong December 2019, ang kompanya ay nagserbisyo sa mahigit 335 million subscribers sa buong mundo at sinasabing pinakamalaking fixed-line at broadband operator sa buong mundo.

Noong Huwebes ay sinabi ng FCC na kontrolado ng Communist Party ng China ang kompanya.

Noong Abril ay inatasan ng FCC ang China Telecom, China Unicom Americas Ltd., Pacific Networks Corp. at ang subsidiary nito na ComNet na magpaliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin ang kanilang authorizations.

Facebook Comments