China, tinawag na panlilinlang sa international community ang panibagong pasaring ni Sec. Teodoro

Panlilinlang sa international community at nagdudulot ng higit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China ang panibago na namang pasaring ni Defense Sec. Gilberto Teodoro.

Ito ang naging reaksyon ng Chinese government sa pahayag ni Teodoro na hindi lamang usapin ng sovereign rights ang mga hakbang ng Tsina kundi indisputable sovereignty at territorial integrity sa karagatang sakop ng nine-dash line.

Sa statement na inilabas ng Embahada ng China sa Pilipinas, na ang karapatan ng Tsina sa South China Sea ay nasa kasaysayan at may legal na basehan.

Naaayon din anila ito sa International Law at international practice, gayundin sa United Nations Convention on the Law of the Sea.

Tinawag din ng China ang Pilipinas na “genuine troublemaker” at naglilikha ng panganib sa South China Sea.

Nanawagan din ang Tsina sa mga opisyal ng Pilipinas na itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon at sa halip ay lalo pang i-promote ang bilateral relations ng dalawang bansa para na rin sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea.

Facebook Comments