Kinumpirma ng Chinese Embassy na mananatili ang matibay na alyansa nito sa Pilipinas.
Sa kabila ito ng panibagong tensyon sa West Philippine Sea sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at ng Chinese Coast Guard.
Sa statement na inilabas ng Chinese Embassy sa Pilipinas, sinabi nito na marami pa ring mga Pilipino ang may interes sa China lalo na sa larangan ng trade at economic.
Sa katunayan anila, ang bilateral trade volume ng Pilipinas at China ay umakyat na sa US$ 87.7 billion.
Ayon sa China, ito ay magbibigay ng malaking benepisyo sa mamamayan ng dalawang bansa.
Facebook Comments