Manila, Philippines – Tiniyak ng China ang pagtalima sa Code of Conduct sa South China Sea.
Ito’y matapos maiulat na may mga namataan Chinese vessels Sa Pag-Asa Island.
Ayon kay Chinese Ambassador Zhao Jian Hua, hindi sila gagawa ng mga hakbang na makasisira ng relasyon nito sa Pilipinas.
Mangingibabaw ang malalim na pagkakaibigan ng dalawang bansa kaysa sa mga kontrobersyal na isyu ng magkaalyadong bansa.
Para naman kay National Defense Sec. Delfin Lorenzana – patuloy ang kanilang pagmomonitor ng Armed Forces of the Philippines sa mga nangyayari sa West Philippine Sea.
Siniguro naman ng dalawang bansa na hindi apektado ang mga issues ang magandang pagkakaibigan lalo na nina Pangulo Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.
Facebook Comments