China, tiniyak na ipaprayoridad ang Pilipinas sa COVID-19 vaccine

Tiniyak ng Chinese Government sa ipaprayoridad ang Pilipinas sa mabibigyan ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, ang Pilipinas ay itinuturing na malapit na kaibigan ng China kaya ikinokonsidera nilang unahin ang Pilipinas sa makakatanggap ng bakuna na kanilang dine-develop.

Sinabi ni Huang na siniguro ni Chinese President Xi Jinping magiging ‘affordable’ at ‘accessible’ ang bakuna sa lahat ng bansa sa mundo lalo na ang mga kalapit nilang bansa at para sa developing countries.


Ang kanilang bakuna ay posibleng ma-develop sa katapusan ng taon o sa unang bahagi ng susunod na taon.

Nasa anim nilang bakuna ang pumasok na sa final stages ng clinical trials kabilang ang apat mula sa Chinese pharmaceutical companies.

Facebook Comments