Umaasa si Chinese President Xi Jinping na magkasundo na sina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-Un.
Ito ang inihayag ni Jinping matapos ang ilang araw na suprise visit ni Kim Jong-Un sa kanilang bansa.
Ayon sa Chinese President, determinado ang North Korean Leader sa pangalawang summit nila ng US President.
Nabatid na ang China ang pinakamalapit na kaalyadong bansa at trade partner ng hilagang Korea.
Sa paglalarawan ng Chinese state news agency, naging “cordial and friendly” ang paghaharap ng dalawang magkaalyadong bansa na kapwa seryoso raw na ayusin ang sitwasyon sa Korean peninsula.
Facebook Comments