
Umalma ang China sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nais ng Tsina na sirain ang kinabukasan ng mga kabataang Pilipino kaya nagpapabaha ito ng iligal na droga sa Pilipinas
Partikular ang sunod-sunod na illegal drugs na narerekober sa mga karagatan ng Pilipinas.
Sa statement na inilabas ng China Embassy sa Pilipinas, inihayag nito na dapat maging maingat ang military officials ng Pilipinas na pagpapalabas ng mga malisyosong pag-atake sa Tsina.
Ito ay lalo na’t ang China ang may pinakamahigpit na polisiya pagdating sa iligal na droga.
Tinukoy rin ng Embahada ng Tsina ang kanilang kilalang counternarcotics track records sa buong mundo.
Nagpaalala rin ang China na may mahigpit na ugnayan ang kanilang mga awtoridad at ang Presidential Anti-Organized Crime Commission(PAOCC) ng Pilipinas sa paglaban sa transnational crimes.









