
Hindi na umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sasagot pa ang China sa naging hamon niya kapalit ng pag-alis niya sa lahat ng US Typhon missile na nasa Luzon.
Ayon kay Pangulong Marcos, hanggang sa ngayon ay wala pang tugon ang China sa kaugnay ng missiles, at pagpapahupa ng tensyon at mga agresibong aksyon.
Inaasahan niya na rin na ang laging tugon ng China na nagsasagawa lamang sila ng lawful exercise at law enforcement.
Matatandaang tahasang hinamon ni Pangulong Marcos ang China na handa siyang ibalik ang lahat ng missile sa Amerika kung hihinto ang China ang pangha-harass ng mga mangingisdang Pilipino, panggigitgit, water cannon, paggamit ng lasers, at iba pang agresibong aksyon.
Facebook Comments